Pag-uulan sa ilang bahagi ng bansa asahan ngayong araw

By Len Montaño May 18, 2019 - 03:35 AM

Sa kabila ng mainit na panahon sa umaga hanggang hapon, asahan ang mga pag-uulan sa ilang bahagi ng bansa mamayang hapon.

Ayon sa Pagasa, matinding init pa rin ang iiral sa umaga hanggang hapon pero posible ang thunderstorms sa hapon.

Ito ay bunsod ng hangin na nanggagaling sa southwest ng bansa.

Maaaring umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index ngayong Sabado pero asahan ang pag-uulan sa Metro Manila na pwedeng umiral hanggang gabi.

Posible ring ulanin ang Luzon partikular ang Palawan at Mindoro.

Sa hapon naman asahan ang pag-uulan sa Visayas partikular sa kanlurang bahagi ng rehiyon.

Samantala, umaga pa lang ngayong araw ay pwede nang ulanin ang Zamboanga Peninsula at Sulu sa Mindanao habang ang natitirang bahagi ng rehiyon ay makakaranas ng thunderstorms na magdadala ng flashflood.

TAGS: flashflood, heat index, mainit na panahon, Pagasa, Thunderstorms, uulanin, flashflood, heat index, mainit na panahon, Pagasa, Thunderstorms, uulanin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.