3 miyembro ng gun for hire group, patay sa shootout sa mga pulis sa Malvar, Batangas

By Len Montaño May 18, 2019 - 03:15 AM

Tatlong miyembro ng gun for hire group ang nasawi matapos makipag-barilan sa mga pulis sa Malvar, Batangas Sabado ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, nakatakas ang isa pang suspek na kanila ng tinutugis ngayon.

Nabatid na may hinoldap na gasolinahan ang 4 na suspek sa bayan ng Lipa.

Nang makarating ang insidente sa pulisya ay nagkasa ng checkpoint sa bahagi ng Malvar.

Pero hindi umano huminto ang mga suspek nang harangin ng mga pulis bagkus ay nagpaputok sa mga otoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis, dahilan ng pagkamatay ng 3 sa mga suspek.

Sinasabing ang mga suspek ang nasa likod ng mga nakawan sa ilang lugar sa Batangas at Laguna.

TAGS: 1 nakatakas, Batangas, checkpoint, Gun for hire, Malvar, patay, shootout, 1 nakatakas, Batangas, checkpoint, Gun for hire, Malvar, patay, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.