Imbestigasyon ng Kongreso sa umanoy mga kapalpakan sa eleksyon, kasado na sa June 4

By Len Montaño May 18, 2019 - 02:32 AM

Kuha ni Clarize Austria

Sisimulan na sa June 4 ang joint congressional hearing sa mga alegasyon ng umanoy mga kapalpakan sa natapos na eleksyon noong May 13.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Senator Koko Pimentel na nakipag-ugnayan na siya sa kanyang counterpart sa Kamara para sa gagawin nilang pagdinig.

Ipapatawag anya ang mga opisyal ng Comelec at Smartmatic para malaman kung naging malinis ba ang halalan at kung hindi na-hack ang sistema.

Ayon kay Pimentel, layon din ng hearing na malaman ang dahilan ng paghinto ng transmission sa transparency server gayundin ang mga pumalyang vote counting machines (VCMs) at depektibong SD cards.

Nagtataka ang Senador dahil nagsagawa na ng testing ang Comelec bago ang eleksyon pero nagkaroon pa rin ng mga kapalpakan.

Samantala, aalamin din sa hearing ang alegasyon ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na pina sub-contract ng National Printing Office (NPO) sa Holy Family Printing ang imprenta ng voter’s information sheet.

Partikular na nais malaman ni Pimentel kung sino ang pumasok sa kontrata ng sub-contract at kung may paglabag ito sa bidding rule.

TAGS: comelec, Comelec Commissioner Rowena Guanzon, eleksyon, Holy Family Printing, joint congressional hearing, June 4, National Printing Office, SD card, Senator Koko Pimentel, smartmatic, VCM, voters information sheet, comelec, Comelec Commissioner Rowena Guanzon, eleksyon, Holy Family Printing, joint congressional hearing, June 4, National Printing Office, SD card, Senator Koko Pimentel, smartmatic, VCM, voters information sheet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.