Gerald Anderson, handa na sa kasal

By Len Montaño May 18, 2019 - 02:17 AM

Sa edad na 30 anyos, sinabi ng aktor na si Gerald Anderson na handa na siya sa kasal.

Pahayag ito ni Gerald ngayong parehong maganda ang takbo ng kanyang showbiz career at lovelife.

Sa ngayon ay prayoridad pa rin ng binata ang trabaho dahil kailangan umano nitong mag-ipon.

Marami pa rin umanong gustong magawa at ma-accomplish si Gerald.

Pero masasabi na umano ngayon ni Gerald na mas handa na ang kanyang emosyon para magpakasal.

Mula 2017 ay nasa “dating stage” na si Gerald sa aktres na si Bea Alonzo pero wala pang kumpirmasyon ukol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

TAGS: Bea Alonzo, dating stage, Gerald Anderson, handa na, kasal, Bea Alonzo, dating stage, Gerald Anderson, handa na, kasal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.