Bagyong Nona, bumagal, Bicol Region at Samar unang uulanin
Bahagyang bumagal ang bagyong “Nona” ngunit napanatili nito ang kanyang lakas at direksiyon batay pa rin sa huling Weather Bulletin na inilabas ng PAGASA alas-onse ng umaga ngayon araw.
posibleng itaas na rin ang signal No. 1 sa Bicol Region at Samar at inaasahang hindi ito halos gagalaw hanggang sa Linggo ng umaga.
Huling namataan ang bagyo 1,025 km Silangan ng Maasin city, Southern Leyte.
Ayon sa Pagasa taglay ni Nona ang lakas na umaabot sa 65 kilometers per hour at pagbugso o gustiness na umaabot sa 80 kilometrs per hour.
Samantala asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa loob ng 100 kilometers radius ng bagyo habang ito’y tumatahak sa West-bound direction.
Sinasabing sa Huwebes, December 17 lalabas ng bansa si Nona.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.