ACT-CIS umabot na sa 2M mark ang boto sa party-list race
Umabot na sa 2 million-mark ang mga boto ng party-list group na Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) batay sa bagong partial, official count ng Commission on Elections (Comelec).
Sa na-canvass na 107 mula sa 130 clustered precincts ng Comelec na umuupong National Board of Canvassers hanggang Biyernes ng gabi, nangunguna ang ACT-CIS sa party-list race sa botong 2,147,970 votes.
Lamang ito ng mahigit 1 milyon sa pumapangalawang Ako Bicol na may 980,443 votes.
Narito ang iba pang grupo na pasok sa top 15:
Bayan Muna (864,333 votes)
Citizens’ Battle Against Corruption (725,753 votes)
Ang Probinsyano (616,217 votes)
1-Pacman or One Patriotic Coalition of Marginalized Nationals (572,885 votes)
Probinsyano Ako (509,924 votes)
An-Waray (421,050 votes)
Senior Citizens (415,308 votes) and
Association of Philippines Electric Cooperatives (382,122 votes)
Marino (374,924 votes)
Abono (374,088 votes)
Gabriela (364,006 votes)
Tingog Sinirangan (362,286 votes)
Ako Bisaya (347,917 votes)
Sa ilalim ng party-list organizations, kailangang may 2 percent na boto ang party-list para makakuha ng 1 seat sa Kamara.
Ang grupo na may mahigit 2 percent na boto ay magkakaroon ng dagdag na kinatawan katumbas ng kabuuang bilang ng nakuhang boto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.