P1.6M halaga ng shabu nakumpiska sa magkahiwalay na raid sa 2 bayan sa Cebu

By Len Montaño May 17, 2019 - 10:06 PM

Nakumpiska ng pulisya sa Toledo at Cebu City ang P1.6 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na operasyon sa loob ng 2 araw.

Sa drug buy bust sa Toledo, arestado si Angie de Gracia, job order employee ng Provincial Health Office, matapos itong makuhanan ng 220 gramo ng shabu.

Ayon kay Lt. Col. Janette Rafter, Toledo City Police Station chief, ang nakuhang droga mula kay De Gracia ay nagkakahalaga ng P1.5 milyong.

Ang suspek ay isang ambulance driver na nakatalaga sa Balamban.

Sa Cebu City, timbog ang 25 anyos na si Sherwin Simbahon matapos makuhanan ng 50 gramo ng shabu.

Ayon kay Lt. Col. Glenn Mayam, PDEG Visayas chief, nahuli ang suspek sa buy bust operation sa Sitio Kamalig, Barangay Labangon.

Ang nakuhang droga kay Simbahon ay nagkakahalaga ng P170,000.

Samantala, isang bata ang nasugatan nang pumutok ang baril si Simbahon sa gitna ng agawan nila ng pulis.

Dinala sa ospital ang bata habang ang suspek ay nakakulong na sa Cebu City police detention cell.

TAGS: Bata sugatan, buy bust, Cebu City, P1.6M halaga ng shabu, PDEG Visayas, Provincial Health Office, Raid, shabu, toledo, Toledo City Police Station, Bata sugatan, buy bust, Cebu City, P1.6M halaga ng shabu, PDEG Visayas, Provincial Health Office, Raid, shabu, toledo, Toledo City Police Station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.