DOH inatasan ang FDA na gumawa ng kautusan kaugnay ng e-cigarettes at vapes

Radyo Inquirer Photo | Richard Garcia
Inatasan ng Department of Health ang Food and Drug Administration na gumawa ng executive order kaugnay ng mga nauusong e-cigarettes at vapes.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, ang mga electronic nicotine delivery system at electronic non nicotine delivery system ay hindi saklaw ng administrative order na inilabas noong 2014 dahil sa mga technological developments.

Kasalukuyang inaaral ito ng DOH at kalaunan ay makagawa ng draft Implementing rules and regulations at IRR.

Inaasahan na kapag naisulat na ang draft IRR, maaaprubahan ito sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Giit naman ni Finance Secretary Sonny Dominguez na masusing pag-aaral ang gagawin ng Department of Finance at DOH dahil maraming teknolohiya ang nakapaloob dito at patuloy na nagbabago.

Read more...