Deployment ban ng Pinoy workers sa Kuwait, pinag-aaralan ng DOLE
Inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maari naman muling magpatupad ng deployment ban sa Kuwait kasunod ng karumaldumal na pagpatay sa isang Filipina worker.
Ngunit nilinaw ni Bello na ang muling pagpapatigil ng pagpapadala ng mga manggagawang Filipino ay isa lang sa mga opsyon na kanilang ikinukunsidera.
Ito ay matapos ang pagpatay kay Filipina household service worker Constancia Lago Dayag.
Base sa mga paunang ulat, may mga senyales na binugbog si Dayag at sinalpakan pa ng pipino ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.
Dagdag ni Bello nangyari ang pagkamatay ni Dayag sa kabila ng pangako ng Kuwaiti government na paiigtingin ang proteksyon sa mga manggagawang Filipino.
Tubong Isabela ang 47-anyos na si Dayag at idineklara itong dead on arrival sa Al-sabah Hospital.
Una nang inatasan ni Bello at POEA at OWWA na hanapin ang mga ahensiya na responsible o nagbigay ng trabaho kay Dayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.