Pagkakapanalo ni Vilma Santos bilang kongresista sa Lipa City ipinoprotesta; manual recount inihirit
Humirit si outgoing Lipa City, Batangas Mayor Meynard Sabili at asawa nito na magsagawa ng manual recount sa mga boto sa nagdaang May 13 elections.
Naghain ng petisyon ang dalawa isang araw matapos iproklama ng Commission on Elections (Comelec) sina Lipa district Rep. Vilma Santos-Recto at dating vice mayor Eric Africa bilang panalo sa eleksyon.
Magkatunggali sina Meynard at Recto sa pagka-kongresista habang sina Bernadette naman at Africa sa mayoral race.
Natalo si Meynard matapos makapagtala ng botong 34 thousand 928 habang si Bernadette naman ay may botong 1 thousand 598.
Sa isang panayam, sinabi ni Meynard na nagkaroon ng problema sa vote counting machines sa bansa na naging dahilan ng pagkaantala ng canvassing.
Naitala aniya ang mga depektibong VCM partikular sa mga lugar na malakas ang suporta sa kanila.
Mayroon pa aniyang ulat na hindi lumabas ang pangalan niya at ng asawa sa nakuhang resibo ng isang botante.
Sinabi ni Meynard na maghahain sila ng pormal na petisyon oras na makakalap sila ng sapat na ebidensya sa loob ng sampung araw matapos ang proklamasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.