Elavil Tours Phils Inc., sinuspinde ng LTFRB matapos masangkot ang isa nitong bus sa aksidente sa Quezon
Nagpalabas ng preventive suspension ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laavab sa Elavil Tours Phils Inc.
Ito ay makaraang masangkot sa aksidente ang isang bus uit ng Elavil, Hewebes (May 16) ng gabi sa Tagkawayan, Quezon na ikinasugat ng 20 pasahero.
Sakop ng suspensyon ang 10 bus units ng Elavil na nasa ilalim ng case number 2007-1991ST.
Pinagsusumite rin ng LTFRB ng written answer ang Elavil at kinakailangan itong dumepensa upang hindi masuspinde ang kanilang Certificate of Public Convenience (CPC).
Inatasan din ang Elavil na isurrender sa LTFRB ang “For Hire Plates” ng kanilang mga bus na sakop ng suspensyon, GPS recording, video clip mula sa dashcam ng bus at CCTV ng unit.
Binigyan lamang ng hanggang May 24, 2019 ang bus company para tumalima sa utos.
Pinahaharap din ang operator ng Elavil at driver ng naaksidenteng bus sa pagdinig sa LTFRB sa May 29m 2019 alas 9:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.