LP hiniling sa Comelec na ilabas ang mga depektibong VCM at SD Cards
Ipinabubunyag ng Liberal Party sa Commission on Elections (Comelec) kung nasaan ang halos 2,000 depektibong vote counting machines at SD cards na ginamit noong midterm elections.
Hiniling din ng LP sa poll body na ilabas ang audit at system logs ng transparency server at ang technical report na magbibigay-linaw sa pitong oras na delay sa transmission ng resulta ng mga boto.
Inihain ng Comelec ang manifestation sa Comelec para sanasabing kahilingan.
Magugunitang bigo ang mga kandidato ng oposisyon na makapasok sa top12 ng nagpapatuloy na canvassing.
Pito sa walong kandidato ng Otso Diretso ang nag-concede na at tinanggap na ang pagkatalo habang si Senator Bam Aquino na nasa number 14 ay hindi ba nagco-concede.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.