Patay ang sampung katao sa pagguho ng isang commercial building sa Shanghai, China na sumasailalim sa renovation.
Tatlong biktima ang natagpuan ng mga otoridad sa gumuhong gusali.
Kalahating bahagi ng gusali ang gumuho araw ng Huwebes, May 16.
Maliban sa mga nasawi, maraming iba pa ang sugatan.
Ang nasabing gusali ay dating ginagamit ng kumpanyang Mercedes-Benz ayon sa national emergency ministry.
MOST READ
LATEST STORIES