Filipino priest inordinahan bilang obispo sa Los Angeles
Inordinahan na bilang Auxiliary Bishop sa Archdiocese ng Los Angeles ang pari na Filipino na si Fr. Alejandro Aclan.
Ginanap ang seremonya sa Cathedral of Our Lady of the Angels sa California.
Si Aclan ay naging ikalawang Filipino American bishop matapos ma-ordinahan noon ang malapit niyang kaibigan na si Salt Lake City Bishop Oscar Solis.
Kasama si Solis sa mga nasa altar sa seremonya ng ordinasyon kay Aclan.
Pinasalamatan naman ni Aclan si Pope Francis sa paghirang sa kaniya bilang bagong Los Angeles auxiliary bishop.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.