Inabisuhan ng Public Information Office ng Pasig City ang publiko na ang FB page na Pasig Command Center (Pasig C3) ay na-hack.
Pinayuhan ang publiko na kung mayroong mensahe ay sa FB page na lang muna ng PIO magpadala ng mensahe.
Aktibo rin ang FB page ng Pasig The green City at RED Training Center para sumagot sa mga katanungan.
Wala naman nang ibang ibinigay na detalye ang Pasig PIO sa ginawang pagpasok ng hackers sa naturang FB page.
MOST READ
LATEST STORIES