Facebook page ng command center ng Pasig City napasok ng hackers
By Dona Dominguez-Cargullo May 17, 2019 - 03:52 PM
Napasok ng hackers ang Facebook page ng command center ng Pasig City.
Inabisuhan ng Public Information Office ng Pasig City ang publiko na ang FB page na Pasig Command Center (Pasig C3) ay na-hack.
Pinayuhan ang publiko na kung mayroong mensahe ay sa FB page na lang muna ng PIO magpadala ng mensahe.
Aktibo rin ang FB page ng Pasig The green City at RED Training Center para sumagot sa mga katanungan.
Wala naman nang ibang ibinigay na detalye ang Pasig PIO sa ginawang pagpasok ng hackers sa naturang FB page.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.