Abogado patay sa pananambang sa Rizal

By Dona Dominguez-Cargullo May 17, 2019 - 03:33 PM

Patay ang isang abogado sa pamamaril sa Montalban, Rizal.

Sakay ng kaniyang Isuzu 4×4 na may plate number na NAQ 7322 ang biktimang si Atty. Edilberto Golla Jr., nang siya ay tambangan ng mga suspek.

Ayon kay Rizal Police Provincial Director, Pol. Col. Lou Evangelista naganap ang pamamaril sa loob ng Green Eastwood Phase 2 sa Brgy. San Isidro.

Narinig na lamang ng mga residente sa lugar ang magkakasunod na putok ng baril at nakita ang sasakyan na tadtad na tama ng bala.

Mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: ambush, Lawyer, Rizal, Rodriguez, ambush, Lawyer, Rizal, Rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.