Pagtatayo ng 6 pang istasyon ng PNR Clark Phase 1 uumpisahan na

Sisimulan na sa Martes, May 21 ang konstruksyon ng anim pang istasyon na bahagi ng PNR Clark Phase 1 project.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) kabilang sa mga itatayong istasyon ay sa Solis, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao at Bocaue.

Magugunitang noong February 15, sinimulan ang kosntruksyon ng Package 2 ng proyekto.

Sa Lunes, mayo 20, isasagawa muna ang contract signing para sa Package 1 upang ganap na masimula ang pagtatayo ng mga istasyon.

Sa 4th quarter ng 2021 target na matapos ang PNR Clark Project na inaasahang makapagseserbisyo sa nasa 300,000 katao araw-araw.

Ito ay magdurugtong sa tatlong rehiyon sa Luzon kabilang ang Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

Read more...