Nur Misuari hiniling sa korte na payagan siyang magtungo sa Saudi Arabia para sa pilgrimage

By Dona Dominguez-Cargullo May 17, 2019 - 02:38 PM

Hiniling ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misruari sa Sandiganbayan na payagan siyang magtungo sa Saudi Arabia para sa dalawang linggong pilgrimage.

Ito ay upang gunitain ang pagtatapos ng holy month or Ramadan.

Sa kaniyang misyon sa 3rd division ng Sandiganbayan hiniling ni Misuari na payagan siyang makaalis ng bansa sa May 23.

Nangako naman si Misuari na sa June 15 pagkatapos ng pilgrimage ay babalik din siya ng bansa.

Nakasaad sa mosyon na hindi naman maituturing na flight risk si Misuari at tutugon ito sa lahat ng kondisyong itatakda ng korte.

Si Misuari ay nahaharap sa kasong graft sa Sandiganbayan.

TAGS: Nur Misuari, pilgrimage, Radyo Inquirer, sandiganbayan, saudi arabia, Nur Misuari, pilgrimage, Radyo Inquirer, sandiganbayan, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.