Barbie Imperial mas gusto ang role na Valentina sa remake ng Darna

By Mary Rose Cabrales May 17, 2019 - 01:51 PM

Mas interesado ang aktres na si Barbie Imperial sa role na Valentina sa remake ng pelikulang Darna.

Kabilang si Barbie sa mga sinabihan na mag-audition para sa role na Darna.

Ayon sa aktres mas gusto niya ang karakter na Valentina kaysa sa karakter na Darna dahil puro Darna na umano pero kung mapupunta sa kanya ang bidang karakter ay ayos naman daw.

Samantala, inamin naman ni Barbie na may alok sa kanya na isang bagong project kung saan muli sana silang magsama ng kanyang “Araw Gabi” leading man na si JM de Guzman, ngunit tinanggihan niya ito.

Mas pinili umano ni Barbie na huwag tanggapin ang alok na muling pagsasama nila ni JM dahil marami pa silang personal na isyu na dapat pag-usapan at feeling niya maiistorbo lamang nila ang kanilang mga makakatrabaho dahil hindi pa sila okay sa isa’t isa.

Sa ngayon si Barbie ay isa sa mga bida sa romantic comedy na “Finding You” kasama sina Jerome Ponce at Jane Oineza.

TAGS: Barbie Imperial, darna role, Barbie Imperial, darna role

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.