Charade Puno “clueless” sa dahilan ng pagsibak sa kaniya ni Pang. Duterte

“Clueless” si Nela Charade Puno, sa pagkakasibak sa kaniya sa pwesto sa Food and Drug Administration (FDA) bilang director general.

Ayon kay Puno, hindi niya alam kung ano ang alegasyon ng korapsyon na ibinabato sa kaniya.

Katunayan wala umano siyang anumang kasong kinakarap na may kaugnayan sa katiwalian.

“I take exception to the mention of so-called ‘corruption allegations’ because I am clueless as to what these are. I have not been charged in any legal proceedings nor am I aware of any official investigations being undertaken in relation to corruption involving me,” ayon kay Puno.

Sinabi ni Puno na nanilbihan siya sa FDA sa loob ng dalawang taon at sampung buwan at ginawa niya ng tapat, maayos at puno ng dedikasyon ang trabaho.

Anuman aniyang alegasyon ng korapsyon na ibabato sa kaniya ay handa niya itong harapin.

Sa kabila nito, sinabi ni Puno na tinatanggap niya ang termination sa kaniya ni Pangulong Duterte sa pwesto.

Read more...