Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na dalawang oras – PAGASA
Itinaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Sa abiso ng PAGASA, alas 12:50 ng tanghali, malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Zambales, Bulacan, Cavite, at Laguna.
Ganitong kondisyon din ang panahon sa San Mateo at Rodriguez sa Rizal at sa Quezon at Batangas.
Sa ilalim ng thundestorm levels ng PAGASA, dalawang oras na malakas na pag-ulan ang aasahan sa mga lugar kung saan nakataas ang thunderstorm advisory.
Babala ng PAGASA ang malakas na buhos ng ulan ay maaring makapagdulot ng flash floods at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.