Abogado patay sa pamamaril sa harap ng Dagupan City Justice Hall

Patay ang isang abogado matapos tambangan sa harap ng Dagupan City Justice Hall sa Pangasinan, Biyernes (May 17) ng umaga.

Kinilala ng Pangasinan ang biktimang si Atty. Val Crisostomo, abogado sa “Peryahan ng Bayan” at residente ng bayan ng Manaoag.

Nasa harapan ng justice hall sa Barangay Bonuan si Crisostomo na katatapos lamang dumalo sa court hearing nang isang lalaki ang lumapit sa kaniya at siya ay tinambangan.

Nakasuot ng kulay itim na jacket at asul na helmet ang suspek nang barilin nito ang biktima alas 9:15 ng umaga.

Isinugod pa sa Region 1 Medical Center ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Read more...