Multa at parusa sa mga lumalabag sa batas-trapiko dapat itaas ayon sa HPG

By Den Macaranas December 12, 2015 - 11:13 AM

EDSA TRAFFIC/ OCTOBER 28, 2014 Slow moving traffic at Edsa  INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Sang-ayon ang pamunuan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) na dapat amyendahan na ang mga batas at parusa kaugnay sa traffic obstruction at violations.

Ito’y sa gitna ng problema sa mas lumalalang problema sa daloy ng trapiko partikular na sa EDSA.

Sinabi ni PNP-HPG Director Arnold Gunnacao na madalas abusuhin ang mga lansangan dahil sa mahinang mga batas at mababang penalty sa mga paglabag sa traffic rules.

Nauna nang sinabi ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na aabot sa P2.4Billion kada araw ang nawawala sa ating ekonomiya dahil sa mabigat na daloy ng mga sasakyan.

Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec-Gen. Arsenio Balisacan na ito’y katumbas na ng .08-percent ng ating Gross Domestic Product (GDP).

Sa kasalukuyan, aminado si Gunnacao na ang magagwa lamang nila ay ang pagsasa-ayos ng mga Mabuhay lanes na magsisilbing alternatibong daanan sa EDSA.

Ipinaliwanag din ng opisyal na 120,000 vehicles per hour lamang ang kayang i-accommodate ng EDSA pero ngayong panahon ng kapaskuhan ay halos na-triple na ang nasabing bilang.

Aabot pa ng hanggang sa January 2016 ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ayon sa PNP-HPG.

TAGS: edsa, Gunnacao, HPG, edsa, Gunnacao, HPG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.