Mahigit 200 toneladang basura mula sa election materials nahakot ng MMDA

Umabot sa 200.37 na tonelada ng basura ang mula sa mga election materials ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ay mula noong March 1 hanggang May 16, 2019.

Ayon sa MMDA, tatlong araw makalipas ang eleksyon ay umabot sa 54.95 tons ng basura ang nakulekta ng kanilang Parkways Clearing Group.

23.42 tons noong May 14; 14.45 tons noong May 15 at 17.08 tons noong May 16.

Sinabi ng MMDA Na nakulekta ang mga basura sa mga lansangan at sa palibot ng paaralan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA chairman Danilo Lim, hindi itatapon sa sa landfills ang mga basurang mula sa campaign materials at sa halip ay ire-recycle at gagawing bags, place mats, baskets, school supplies, at iba pa.

Nasa 100 tauhan ng MMDA ang nagsagawa ng pagbaklas ng campaign materials matapos ang eleksyon.

Read more...