Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 20 kilometers Northeast ng bayan ng Pagudpud, alas-3:16 ng umaga ng Biyernes (May 17) at may lalim na 24 kilometers.
Naitala ang instrumental intensity 1 sa bayan ng Claveria sa lalawigan ng Cagayan.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng General Luna sa lalawigan ng Surigao Del Norte alas-3:38 ng umaga at may lalim na 9 kilometers.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.5 na lindol sa Surigao Del Norte na naitala noong April 26.
Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig at wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES