Taxi driver arestado sa panghoholdap sa sariling pasahero

Timbog ang isang taxi driver makaraang holdapin ang sariling pasahero sa bahagi ng Cubao, Quezon City.

Nakilala ng pulisya ang suspek na si Jake Destacamento na naaresto mismong sa kanyang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay Police Maj. Artemio Galicia Quezon City Police District (QCPD) Station 10, nanghiram umano ang suspek ng cellphone sa kanyang babaeng pasahero para mag-waze.

Nagtaka umano ang pasahero kung bakit paikot-ikot ang taxi at dito na siya tinutukan ng patalim.

Iginiit naman ni Destacamento na nagawa niya lamang mangholdap dahil nagipit siya matapos matalo sa sugal.

Kailangan niya anya ng panggasolina at pang-boundary.

Pinabulaanan naman ng suspek na tinutukan niya ng patalim ang pasahero.

Samantala, umamin ang suspek na gumagamit siya ng shabu.

Mahaharap ang si Destacamento sa kasong robbery.

Read more...