Ridge ng high pressure area makakaapekto sa eastern section ng Luzon – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo May 17, 2019 - 06:55 AM

Magiging mainit at maalinsangang panahon pa rin ang aasahan ngayong araw sa buong bansa.

Ayon sa PAGASA apektado ng ridge ng high pressure area ang eastern section ng Luzon.

Dahil dito ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ngayong araw na mayroong isolated n a pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Maaring magdulot ng pagbaha ang mga mararanasang malakas na buhos ng ulan.

Wala namang sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA sa loob at labas ng bansa.

Kahapon ang 35.7 degrees Celsius na maximum na temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City dakong alas 2:50 ng hapon at umabot sa 38.4 degrees Celsius ang naitalang heat index.

TAGS: Eastern section ng Luzon, mainit at maalinsangang panahon, Pagasa, Ridge ng high pressure area, Eastern section ng Luzon, mainit at maalinsangang panahon, Pagasa, Ridge ng high pressure area

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.