DOH nagtalaga ng OIC sa FDA matapos sibakin ni Pangulong Duterte si Charade Puno
Nagtalaga ang Department of Health (DOH) ng pansamantalang director general ng Food and Drug Administration (FDA) Philippines.
Ito ay makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa pwesto kay Charade Puno bilang FDA director general.
Ayon sa pahayag ng DOH, pansamantalang magsisilbing officer-in-charge sa FDA si Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo.
Kasabay nito tiniyak ng DOH na suportado nito ang commitment ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa graft and corruption sa pamahalaan.
Kahapon inanunsyo ng Malakanyang ang pagsibak kay Puno dahil sa katiwalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.