Hindi bababa sa 20 sugatan sa aksidente sa Tagkawayan, Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo May 17, 2019 - 05:46 AM

Aabot sa 20 katao ang nasugatan makaraang mawalan umano ng preno ang isang pampasaherong bus sa Quirino Highway sa Barangay San Diego, Tagkawayan, Quezon.

Nangyari ang aksidente pasado alas 11:00 ng gabi ng Huwebes, May 16 sa pakurbang bahagi ng kalsada.

Biyaheng Sorsogon-Manila ang Elavil Bus na may body number na 4648 nang ito ay maaksidente, at tumagilid sa bahagi ng highway.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection at Tagkawayan Police Station.

Isinugod ang mga nasugatang pasahero sa Maria Eleazar Memorial District Hospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa sanhi ng aksidente.

TAGS: accident, bus, elavil bus, Quezon, Quirino Highway, Tagkawayan, accident, bus, elavil bus, Quezon, Quirino Highway, Tagkawayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.