Mga Briton mas maraming beses na naglalasing kumpara sa ibang lahi – global survey

Lumalabas sa isang global survey na mas maraming beses na naglalasing ang mga Briton sa isang taon kumpara sa ibang lahi.

Ayon sa resulta ng 2019 Global Drug Survey, mas malakas at madalas uminom ng alak ang British people.

Nagsagawa ng survey sa 123,814 katao sa higit 30 bansa at dito lumabas na ang global average sa dami ng beses ng pagkalasing ay 33 times.

Ang UK respondents ang nagtala ng pinakamaraming insidente ng pagkalasing sa 51 times, sinundan ng 50 times ng Unites States, 48 times ng Canada at 47 ng Australia.

Dahil dito, nahinuha sa pag-aaral na ang English-speaking countries ay ang mas mahilig sa alak.

Ayon sa isang addiction psychiatrist na si Adam Winstock, hindi uso sa kultura ng mga Briton ang pagpipigil o moderation.

Lumalabas naman na pinakamababa ang insidente ng pagkalasing ng mga mamamayan ng Chile na nagtala lamang ng 16 times kada taon.

Samantala, 38% ng mga nakilahok sa survey ay nais na bawasan na ang kanilang pag-inom sa susunod na taon.

Read more...