Filipino bishops may pulong kay Pope Francis ngayong Mayo hanggang Hunyo

By Rhommel Balasbas May 17, 2019 - 04:24 AM

Nakatakdang makapulong ng Filipino Bishops si Pope Francis ngayong kalagitnaan ng Mayo hanggang sa susunod na buwan ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ang pagbisita ng mga obispo kay Pope Francis ay bahagi ng ‘Ad Limina apostolorum’ o “to the threshold of the apostles” sa Ingles.

Sa isang panayam, sinabi ni Cebu Archbishop Jose Palma na iuulat ng mga obispo sa Santo Papa ang developments sa kanilang mga nasasakupang arkidiyosesis at diyosesis at mga programa ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Magbibigay din anya si Pope Francis ng mga tagubulin sa mga obispo.

Bukod sa pagbisita sa Santo Papa, nakatakda ring bisitahin ng mga obispo ang libingan ng mga apostol at ang major basilicas.

Isinasagawa ang Ad Limina visits kada limang taon at ito ang unang ad limina visit ng Filipino Bishops sa ilalim ng liderato ni Pope Francis.

Ang huling ad limina visit ng mga obispo ng bansa ay noong 2011 pa sa ilalim ni Pope Benedict XVI.

Nauna nang nanawagan ng panalangin si CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles para sa ikakatagumpay ng Ad Limina visit ng mga obispo.

TAGS: Ad Limina apostolorum, Archbishop Jose Palma, Archbishop Romulo Valles, CBCP, pope francis, to the threshold of the apostles, Ad Limina apostolorum, Archbishop Jose Palma, Archbishop Romulo Valles, CBCP, pope francis, to the threshold of the apostles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.