NGCP: Reserba ng kuryente sa Luzon grid mananatiling manipis hanggang Agosto

Patuloy na mararanasan ang manipis na reserba ng kuryente sa Luzon grid sa susunod na tatlong buwan ayon sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni NGCP division head for power network planning Fidel Dagsaan na inaasahan kasing sa Setyembre pa magiging normal ang suplay sa Luzon.

Sa Setyembre pa anya kasi magpapatuloy ang operasyon ng hydropowerplants matapos ang rainy season.

Dahil dito, sinabi ni Dagsaan na posible pa ring isailalim ang Luzon grid sa yellow at red alerts hanggang sa Setyembre.

Kahapon, araw ng Huwebes, muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid na ikapito na ngayong buwan.

Read more...