Brigada Eskwela 2019 pormal nang inilunsad sa Cavite

DepEd photo

Inilunsad na ng Department of Education (DepEd) araw ng Huwebes ang Brigada Eskwela 2019 sa isinagawang ‘national kick off program and caravan’ sa Alfonso Central School sa Alfonso, Cavite.

Pinangunahan nina DepEd undersecretaries Annalyn Sevilla at Tonisito Umali, Assistant Secretary G.H. Ambat at Region IV-A OIC Regional Director Carlito Rocafort ang national kick off program.

Sa press conference, iginiit ni Sevilla ang kahalagahan ng Brigada Eskwela upang matiyak ang maayos na pagtanggap ng mga paaralan sa mga mag-aaral lalo’t malaki ang bahagi ng mga ito sa buhay-estudyante.

Ang Brigada Eskwela sa mga paaralan sa buong bansa ay magaganap mula May 20 hanggang 25.

Ang Brigada Eskwela na kilala rin sa tawag na National Schools Maintenance Week ay nasa ika-16 na taon na ngayon.

Layon ng taunang aktibidad na pagkaisahin ang lahat ng education stakeholders sa paghahanda sa mga school facilities para sa muling pagbubukas ng klase.

Ang taong-panuruan 2019-2020 ay magbubukas sa June 3, araw ng Lunes.

Read more...