Decider game ng UST vs Ateneo sa UAAP women’s volleyball bukas na
Sa huling pagkakataon ay magsasagupa ang University of Santo Tomas at Ateneo de Manila sa Game 3 ng Season 81 Finals ng UAAP women’s volleyball bukas Sabado.
Nakauna ng panalo ang Golden Tigresses sa tulong nina Most Valuable Player Sisi Rondina at Rookie of the Year Eya Laure sa pamamagitan ng straight-sets win sa Game 1 noong nakaraang Linggo.
Pero nakabawi ang Lady Eagles sa Game 2 bunsod ng performance ng kanilang senior trio na sina Maddie Madayag, Bea de Leon at Kat Tolentino para 4-set victory.
Dahil dito, mayroong do or die game 3 na unang pagkakataon para sa UAAP women’s volleyball Finals mula noong Season 78 kung saan tinalo ng De La Salle University Lady Spikers ang Ateneo sa final game ni Alyssa Valdez para sa Lady Eagles.
Ito na ang huling laro nina De Leon, Madayag at Rondina para sa kanilang mga unibersidad.
Parehong target ng 2 unibersidad na matapos na ang kanilang pagkasabik sa bagong titulo na huling nakamit ng Ateneo noong Season 77 habang ang UST ay noong Season 72 pa nagkaroon titulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.