Anak ni dating Mayor Tony Halili, wagi sa mayoralty race sa Tanauan, Batangas

By Len Montaño May 17, 2019 - 02:55 AM

Wagi sa mayoralty race sa Tanauan, Batangas ang anak ng pinaslang na si Mayor Antonio Halili.

Nakuha ni Mayor-elect Mary Angeline “Sweet” Halili ang 41,757 votes kumpara sa mga katunggaling sina Sonia Aquino na may 27,381 votes at Alfredo Corona na may 20,132 votes.

Iprinoklama na ang nakababatang Halili Huwebes ng umaga.

Pinasok ni Sweet ang pulitika matapos patayin ang kanyang ama noong July 2018.

Kilala ang ama nito sa shame campaign o pagparada sa umanoy mga magnanakaw sa lungsod.

Bago paslangin ay tinanggalan si Halili ng police control dahil umano sa pagkasangkot nito sa droga, bagay na itinanggi ng dating alkalde at pamilya nito.

TAGS: Batangas, iprinoklama, Mayor Antonio Halili, Mayor-elect, mayoralty race, police control, Sweet Halili, tanauan, wagi, Batangas, iprinoklama, Mayor Antonio Halili, Mayor-elect, mayoralty race, police control, Sweet Halili, tanauan, wagi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.