10 trade deals nakatakdang lagdaan ng Japan at Pilipinas
Nasa 10 investment deals ang inaasahang maseselyuhan sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan ngayong buwan.
Nakatakdang dumalo ang presidente sa 25th International Conference on the Future of Asia sa May 30 hanggang 31.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nakatakdang magkaroon ng business forum ang delegasyon ng bansa kasama ang Japanese firms sa sidelines ng conference at dito makakapulong ng pangulo ang mga negosyateng Japanese.
Ang business ventures anya na ito mula sa Japan ay magfofocus sa industriya ng bansa sa electronics, manufacturing, technology, energy, turismo at transportasyon.
Hindi pa maibigay ni Lopez ang halaga ng mga seselyuhang business deals ngunit iginit nito ay magiging kapaki-pakinabang.
Samantala, sinabi ng kalihim na sa ngayon ay isinasapinal pa ang pulong ng presidente kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe at business community ng Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.