Malacañang ipinagtanggol si Bato sa kakulangan ng alam sa lehislatura

By Rhommel Balasbas May 17, 2019 - 02:30 AM

Dumepensa ang Palasyo ng Malacañang para kay dating PNP chief at ngayo’y senatorial candidate Ronald Bato Dela Rosa sa mga kritisismong kanyang natatanggap matapos amining wala siyang gaanong alam sa paggawa ng batas.

Sa isang panayam, sinabi ni Dela Rosa na gusto niyang kumuha ng seminar tungkol sa proseso ng lehislatura.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat pa ngang purihin si Dela Rosa sa pag-amin sa kanyang kahinaan.

Iginiit ni Panelo na hindi dapat maliitin si Dela Rosa dahil sa mga credentials nito tulad ng pagiging graduate ng Philippine Military Academy (PMA).

Kilala anya ang mga PMA graduates sa kanilang katalinuhan.

“Dapat nga we should commend him for admitting iyong kanyang handicap. Pero huwag nating maliitin, nakakalimutan ng mga kumukwestyon sa kapasidad ni General Bato na PMA (Philippine Military Academy) graduate ito. Hindi ba ang PMA graduates eh known for their intellect, iyong kagalingan nila,” ani Panelo.

Dagdag pa ng kalihim, wala ring karanasan sa lehislatura ang ilang mambabatas nang unang mahalal tulad nina Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao at Senate President Tito Sotto.

TAGS: credentials, dumipensa, PMA graduate, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Ronald "Bato" Dela Rosa, walang alam, credentials, dumipensa, PMA graduate, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Ronald "Bato" Dela Rosa, walang alam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.