Labing-isang Filipino ang inilikas sa Tripoli, Libya dahil sa tumitinding tensyon sa naturang lugar ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa pahayag araw ng Huwebes, sinabi ng DFA na dalawa sa 11 ay menor de edad at dadalhin ang mga ito sa Tunis.
Ayon sa charge d’affaires ng Philippine Embassy sa Libya, mula sa Tunis ay iuuwi sila sa bansa ng DFA at ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Dahil dito, aabot na sa 55 sa nasa 1,000 Filipino ang inilikas sa Tripoli mula nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng gobyerno at ng Libyan National Army noong Abril.
Nauna nang itinaas ng DFA ang Alert Level IV sa Libya kung saan ipinatutupad ang mandatory evacuation sa mga Filipino.
MOST READ
LATEST STORIES