Halos 300 naospital dahil sa food poisoning sa Bukidnon
Halos 300 miyembro ng isang simbahan na karamihan ay mga kabataan ang naospital sa Bukidnon dahil sa food poisoning na hindi pa tukoy ng mga doctor.
Ang mga biktima ay kasama sa national youth convention ng Seventh Day Adventist.
Bigla na lamang sumama ang pakiramdam ng mga biktima kaya dinala sila sa iba’t ibang ospital sa Iligan City.
Ayon kay Dr. Henry Legaspi, chief ng Bukidnon Provincial Medical Center, nagpadala sila ng mga specimen ng rectal swabs ng mga pasynete sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para matukoy ang dahilan ng food poisoning.
Sa 169 na pasyente, napalabas na ang 45 habang naka-confine at under observation pa ang 114.
Sinabi ni Pastor Allan Alingan na nakaranas ang mga participants ng pananakit ng tiyan, nagsuka, nagka-diarrhea at gininaw.
Malayo anyang biktima ng kontaminadong pagkain at tubig ang mga biktima dahil ilang residente sa lugar na hindi kumain ng kanilang pagkain ang nagkasakit din.
Ininspeksyon ng Department of Health at nakita na ang lugar ay maraming langaw na galing sa dalawang poso negro sa compound.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.