PNP: Pagbabalik ng death penalty wrong timing
Inamin ng Philippine National Police (PNP) na hindi na ito ang tamang oras para ibalik ang death penalty o parusang kamatayan sa bansa.
Ito ay kasunod ng pamamayagpag ng mga senatorial bet ng administrasyong Duterte na pabor sa death penalty.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesman, Col. Bernard Banac na kailangan pa itong pag-aralang mabuti.
Dapat muna aniyang maplantsa ang mga safety measure nito para hindi maabuso.
Gayunman, handa aniya ang kanilang hanay na suportahan ang death penalty sakaling maipasa bilang isang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.