Ayon kay MRT operations director Michael Capati, ang aberya ay dahil sa electrical problem partikular ang mababang power supply sa Overhead Catenary System (OCS).
Naghintay ang mga pasahero ng 30 minuto bago nabuksan ang mga pinto ng tren at nakalabas sila at naglakad sa riles.
Nabatid na dahil sa problema sa kuryente ay nag trip ang wire.
Nangyari ang aberya alas 8:40 ng gabi pero dakong 8:52 ng gabi ay nag-resume na ang power ng OCS at balik normal ang operasyon ng MRT-3 bandang 9:11 ng gabi.
Iniimbestigahan ng Department of Transportation (DOTr) ang dahilan ng naturang technical problem.