Canada nadismaya sa recall ng PH ambassadors dahil sa basura
Nadismaya ang foreign ministry ng Canada sa desisyon ng Pilipinas na i-recall ang mga ambassador at consul ng bansa matapos hindi masunod ang May 15 deadline na pagkuha sa kanilang basura.
Sa tweet ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., inaatasan ang lahat ng opisyal ng embahada at konsulada ng Pilipinas sa Canada na mag-book na ng flight pauwi ng bansa.
“We shall maintain a diminished diplomatic presence in Canada until its garbage is ship-bound there,” ani Locsin.
Pero sinabi ng Canada na ilang beses nilang ipinarating sa gobyerno ng Pilipinas ang kanilang commitement na kunin ang kanilang basura.
“Canada has repeatedly conveyed to the Philippines government its commitment to promptly ship and dispose of the Canadian waste in the Philippines. We remain committed to finalizing these arrangements for the return of the waste to Canada,” pahayag ng Canada.
Ang 69 containers ng basura mula Canada ay pumasok sa Pilipinas noong 2013 at nabubulok na ngayon sa landfill sa Tarlac.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ito ng giyera laban sa Canada kapag hindi kinuha ang kanilang basura na itinambak sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.