Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ginawa ang drug test sa mga truck drivers sa mga pangunahing container ports.
Nasa 49 truck drivers, 9 na pahinante at 11 tricycle drivers mula sa 5,009 na drivers at public transport workers ang nagpositibo sa droga.
Positibo rin sa droga ang 9 na van drivers, 5 jeepney drivers, 3 multi-cab drivers, 2 minibus drivers at 1 truck employee.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nagsagawa ng surprise drug test sa mga truck drivers dahil nag-ooperate ang mga ito ng heavy-duty vehicles at matagal na bumibyahe.
“There is a prevailing practice of drug use among the driving population to stay awake for long trips,” ani Aquino.
Kinumpiska ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng mga drivers na nagpositibo sa droga.
Maaari namang kunin ang lisensya kapag may clearance na mula PDEA.
“They must undergo the rehabilitation process, which includes health awareness, and psychological/spiritual/physical activities such as counseling, moral recovery, values formation, personal and life skills, provided by the local government, before reclaiming their licenses,” pahayag ng ahensya.
Ang sorpresang drug test na tinatawag na “Oplan Harabas” ay isinagawa ng PDEA sa mga pangunahing terminal kabilang ang 2 pinakamalaking pantalan, ang Manila International Container Port sa Tondo at Port of Manila sa South Harbor.