Retired US Marine patay sa shootout sa pulisya matapos pumatay ng 2 at sunugin ang bahay sa Talisay, Cebu

By Len Montaño May 16, 2019 - 09:40 PM

Delta Dyrecka Letigio, CDN Digital

Patay ang isang retiradong US Marine sa shootout sa mga pulis matapos nitong patayin ang kanyang stepson at ang barangay chairman ng lugar at sunugin ang kanyang bahay sa Talisay, Cebu.

May awayan sa ari-arian ang dating US Marine na si Dean Torrefranca at ang kanyang stepson na si Jedd Ybañez.

Pinag-aagawan ng dalawang ang isang bahay at dalawang sasakyan.

Para maayos ang gulo ay sinamahan si Ybañez ni Barangay Captain Jimmy Bartilic sa bahay ni Torrefranca pero namaril ang dating US Marine.

Matapos patayin sina Ybañez at Bartilic, nagtago ang suspek sa bahay nito.

Pagtugon ng otoridad ay sinunog ng suspek ang kanyang bahay at nakipag-barilan ito sa mga pulis na ikinamatay nito.

Nang maapula ang sunog ay nakita ang sunog na katawan ng dating US Marine sa loob ng bahay.

TAGS: barangay chairman, cebu, retired US Marine, shootout, sunog, Talisay City, barangay chairman, cebu, retired US Marine, shootout, sunog, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.