Overhaul sa PCSO, hiniling kay Pangulong Duterte

By Erwin Aguilon May 16, 2019 - 08:45 PM

Hiniling ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam kay Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng revamp sa PCSO.

Ito aniya ay bago pa tuluyang lumubog at malugi ito lalo’t umaabot na sa P10 bilyon ang shortfall sa Small Town Lottery na hindi makolekta partikular sa Pangasinan at Cagayan.

Si Cam ay una nang nag-walk out sa Special Board Meeting ng PCSO matapos na rin ipilit ng board na baliktarin ang nauna nang legal opinion na ipinalabas ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) kaugnay sa kaso ng STL franchise holder sa Pangasinan na Speedgame Inc.

Sa nasabing legal opinion ng OGCC ay pina-rerevoke nito ang PCSO Board Resolution 0083 na kumikilala sa bagong set of officers ng Speedgame sa katwirang ang isyung ito ay hindi dapat pakialaman ng PCSO dahil nasa hurisdiksyon ng Regional Trial Court.

Sa halip na kilalanin ang naging legal opinion ng OGCC ay pilit umanong binabago ng board ang naging desisyon na siyang dahilan kung bakit nag-walk out si Cam.

Aniya, may rule of law na dapat na sundin at hindi nito masikmura na mismong ang PCSO board ang nais na mag-adjudicate sa isang kaso gayong wala namang motion for reconsideration na inihain.

Ikinagulat nito ang katwiran ni PCSO Director Ike Seneres na lawyer lamang ang OGCC kaya madali lamang na ma-rereverse ang opinyon nito subalit para kay Cam walang dahilan para i-reverse ang legal opinion.

TAGS: pcso, revamp, Rodrigo Duterte, sandra cam, pcso, revamp, Rodrigo Duterte, sandra cam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.