Pinuno ng FDA sinibak sa pwesto ni Duterte
Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agad na pagsibak kay Food and Drugs Administration Director General Nela Charade Puno.
Sa liham na binasa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinibak si Puno dahil sa isyu ng katiwalian.
Ang nasabing liham ay may petsang May 15, 2019 at may lagda ni Executive Sec. Salvador Medialdea.
Inuutusan rin si Puno na kaagad na ibigay sa kalihim ng Department of Health ang lahat ng mga importanteng dokumento mula sa kanyang tanggapan.
Magugunitang nauna nang sinabi ng pangulo na marami siyang sisibakin na mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.