Baron Geisler muling nasangkot sa pananakit sa girlfriend

By Angellic Jordan May 16, 2019 - 04:17 PM

Twitter photo

Muling inakusahan ang aktor na si Baron Geisler ng physical abuse ng isang babae na umano’y karelasyon nito.

Bago binura, sinabi ni Baron na hindi siya nanakit kasama ang screenshot sa post ng umano’y dating girlfriend na si Karen Anne Tolosa.

Sumagot sa tweet si Tolosa at sinabing tigil na ang pagsisinungaling sa mga tao.

Inilahad ni Tolosa sa Facebook ang umano’y pananakit sa kaniya ng aktor.

Aniya, may oras para manahimik at may oras para magsalita.

Isinama rin ni Tolosa sa post ang mga larawan kung saan makikita ang mga pasa sa kaniyang mukha, braso at iba pa.

Sa isang panayam, sinabi ni Tolosa na nagsimula ang kanilang relasyon ni Baron noong 2012 at naging magkaibigan noong 2018.

TAGS: Baron Geisler, facebook, karen anne talosa, physical abuse, Twitter, Baron Geisler, facebook, karen anne talosa, physical abuse, Twitter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.