Binalaan ng Food and Drug Administration o F-D-A ang publiko na huwag bumili o gumamit ng Original Porcelana Astringent Improved Formula.
Sa inilabas na F-D-A Advisory number 2019-119, lumabas na positibo ito sa Hydroquinone at Tretinoin, mga sangkap na hindi maaaring ilagay sa mga cosmetic product.
Ayon sa F-D-A, hindi ito sumunod sa standards sa isang produkto.
Posible anilang magdulot ang produkto ng masamang epekto sa kalusugan ng sinumang gumamit nito tulad ng pagkakaroon ng pangangati, skin irritation, anaphylactic shock o organ failure.
Nagbabala rin ang F-D-A sa mga establisimiyento na huwag ipagbili ang nasabing produkto.
Sinumang lumabag at hindi sumunod sa nasabing kautusan ay posible anilang patawan ng parusa.
MOST READ
LATEST STORIES