Death penalty mas madali nang maibabalik ayon kay Sotto
Inihayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mataas ang tsansang ibalik ang death penalty o parusang kamatayan sa bansa.
Ito ay dahil sa posibleng pagpasok ng mga nangungunang senador na pabor sa nasabing panukala.
Ayon kay Sotto, naging basehan din nito ang pagboto ng mga mamamayan dahil alam ng publiko kung sinu-sinong kandidato ang pabor at hindi pabor sa death penalty.
Sinabi pa ng pinuno ng Senado na payag na siyang huwag ipasa ang nasabing panukala ngunit kung mataas ang kaso ng drug trafficking sa bansa, kailangan na itong ipatupad.
Nauna ditto ay tiniyak ni Sotto na hindi magiging stamp pad ng Malacañang ang Senado makaraang mamayagpag sa halalan ang mga kaalyado ng administrasyong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.